Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang na maagang magpa-register para sa School Year 2017-2018.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layon nitong mabigyan ng sapat na panahon ang ahensya para maresolba ang mga problema bago ang pasukan sa Hunyo 5.
Maliban dito, makaka-iwas din ang mga magulang sa mahabang pila ng enrollment.
Sinabi ni Briones na kalimitan kasing sa mismong pagbubukas ng klase nag-eenroll ang ilang mga magulang na nakadadagdag ng kalituhan aniya sa unang araw ng pasukan.
Samantala, nanawagan din ang kalihim sa bawat komunidad na makiisa sa taunang Brigada Eskwela ng DepEd na magsisimula sa Mayo 15 na layong ihanda at linisin ang mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase.
By Ralph Obina
DepEd: Maagang magpatala bago ang pasukan sa Hunyo was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882