Hinikayat ng Amerika ang Duterte administration na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyayaring EJK o extrajudicial killing sa bansa bunsod ng operasyon laban sa iligal na droga
Kasunod ito ng pahayag ng US na nakaaalarma na ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga biktima ng EJK sa Pilipinas.
Ayon kay Deputy Assistant Secretary of State for Southeast Asia Patrick Murphy, ito ay kahit pa ang nasa likod ng mga pagpatay ay ligal na operasyon o vigilante group.
Kasabay nito ay siniguro ni Murphy na handa ang Amerika na bigyan ng ayuda ang gobyerno para sa drug rehabilitation program nito.
By Rianne Briones