Pito (7) katao ang sugatan sa pagsabog malapit sa Sulu Provincial Hospital at Hadji Butu School of Arts and Trade alas-7:15 kaninang umaga sa Jolo, Sulu.
Ayon kay AFP PIO Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, isang hindi pa nakilalang lalaki ang nagbato ng granada para sana sa tumatakbong truck sakay ang tropa ng 32nd Infantry Batallion.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nasabing insidente.
By Judith Larino