Bigong bumalik sa bansa si self-confessed DDS o Davao Death Squad member at dating pulis Arturo Lascañas.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Antonette Mangrobang, ito ay kahit April 22 o noong Sabado ang inaasahang pagbabalik ni Lascañas base sa kanyang returning ticket.
Matatandaan na noong April 8 ay lumipad patungong Singapore si Lascañas dahil umano sa natanggap niyang banta sa kanyang buhay at para makaiwas sa inaasahang mga kasong isasampa laban sa kanya.
Una nang tinukoy ni Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte bilang nasa likod ng DDS para itumba ang mga kriminal at kaaway nito noong siya ay alkalde pa ng Davao City.
By Rianne Briones
Arturo Lascañas bigong bumalik sa bansa was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882