Itinuturing na matagumpay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang operasyon laban sa grupong Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, nagpapatuloy ang kanilang operasyon sa Sulu at Basilan kung saan marami aniya sa mga miyembro ng bandido ay nagsisipag-alis na habang ang iba ay sumuko na sa militar.
“Nagsasagawa na po ng pamamaraan ang mga teroristang grupo kung paano sila makakaalis sa Sulu, ang iba naman po ay sumuko na, pinakahuling ulat natin na napakaraming sumuko ay 11 sa kanilang hanay ng Abu Sayyaf at kanilang mga supporters sa Joint Task Force Tawi-Tawi.” Ani Arevalo
Samantala, nilinaw naman ni Arevalo na inaalam pa nila ang ulat hinggil sa nais umanong pagsuko ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.
Si Hapilon ay ang sinasabing pinuno din ng Islamic State sa Pilipinas na kabilang sa wanted list ng Estados Unidos.
“Magandang balita po yan, indikasyon na talagang nasa tamang direksyon ang pinupunta ng Armed Forces of the Philippines sa ating paglaban sa mga bandido.” Pahayag ni Arevalo
By Ralph Obina | Karambola (Interview)
Operasyon vs. ASG sa Sulu at Basilan matagumpay—AFP was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882