Naging marubdob pa ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa mga bandido sa Sulu at tuluyang pagliligtas sa mga bihag ng mga ito.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Joint Task Force Sulu Commander, Brigadier General Cirilito Sobejana matapos pugutan ng mga bandido si Staff Sergeant Anni Saraji, ang Moro National Liberation Front o MNLF Integree na una nang dinukot ng mga ito.
Sinabi ni Sobejana na si Saraji ay nagsasagawa ng peace and development mission sa Sulu kaya’t nakapanghihinayang na pinatay ito ng mga bandido.
PAKINGGAN: Pahayag ni Joint Task Force Sulu Commander, Brigadier General Cirilito Sobejana sa panayam ng DWIZ
P1-M patong sa ulo sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf dapat gamitin na lamang sa intelligence gathering
Isinusulong ni Anak Mindanao Party-list Representative Makmod Mending, Jr. na gamitin na lamang sa intelligence gathering laban sa mga terorista ang P1-M pabuya kapalit ng bawat miyembro ng Abu Sayyaf.
Kaugnay nito, sinabi ni Mending na umaasa siyang ire-rekunsider ng Pangulo ang pagbibigay ng reward dahil hindi ito aniya epektibo sa bandidong grupo.
Ayon kay Mending, batid niya kung gaano kahirap hanapin ang mga bandido na wala aniyang permanenteng kuta at mabilis na maglipat nang pinagtataguang teritoryo kaya’t dapat gamitin ang reward money sa pagpapalakas ng intelligence gathering.
By Judith Larino