Pumapalo na sa 35 ang nasawi sa Mexico sa nakalipas na weekend kasunod ng malawakang paglaganap ng karahasan mula sa mga drug gang.
Ayon sa mga otoridad, sa estado ng Sinalo ay 12 katao ang nasawi sa magkakaibang insidente.
Mas tumindi pa ang labanan sa pagitan ng mga grupo ng gang matapos maaresto sina Sinaloa Cartel Boss Joaqiuin El Chapo Guzman noong nakalipas na taon.
9 katao naman ang napatay ng prosecutors sa barilan sa pagitan ng magkalabang grupo ng drug gang sa bulubunduking bahagi ng West Coast State ng Mexico sa Michoacan.
Sabado nang maganap ang shootout sa isolated na bayan ng Churumuco.
Lumalabas sa record ng gobyerno na naitala noong 2011 ang pinakamalalang drug violence sa Mexico kung saan sinisisi si President Enrique Penia Nieto na umano’y tila pipi’t bingi sa nasabing usapin.
By Judith Larino