Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Central Chile.
Ayon sa US Geological Survey, ang sentro ng lindol ay naitala sa lungsod ng Valparaiso at may may lalim na 9.8 kilometers.
Kaagad pinalikas ang mga residenteng malapit sa karagatan dahil na rin sa panganib ng tsunami matapos ang pagyanig.
Ang Chile ay sinasabing nasa ibabaw nang tinatawag na pacific ring of fire kayat madalas maramdaman ang pagyanig.
Magugunitang September 2015 nang yanigin ng magnitude 8.3 na lindol ang Chile na ikinasawi ng labing lima (15) katao at 2010 nang tumama rito ang 8.8 magnitude na lindol na sinundan ng tsunami at ikinamatay ng limandaan (500) katao.
ByJudith Estrada-Larino
Central Chile niyanig ng magnitude 7.1 na lindol was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882