Pinayagan na ng Korte Suprema ang kontruksyon ng kontroberysal na Torre De Manila malapit sa Luneta Park.
Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te, sa botong 9-6 ay ibinabasura ng kataas-taasang hukuman ang mosyon ng Knights of Rizal na humihirit na ipatigil o gibain ang 49 na palapag ng Torre De Manila na pagmamay-ari ng kumpanyang DMCI.
Dahil dito, tuloy ang konstruksyon ng naturang gusali sa Maynila.
Matatandaang binansagang Pambansang Photobomber ang Torre De Manila dahil sinisira nito ang sightline ng bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Luneta.
By Ralph Obina