Pinayuhan ng Malakaniyang ang PNP o Philippine National Police gayundin ang iba pang mga organisasyon at institusyon na maging mapagbantay sa kanilang hanay.
Inihayag ito ng palasyo upang matiyak ang kapayapaan sa bansa makaraang maaresto si Supt. Maria Cristina Nobleza na nobya ng isang miyembro ng Abu Sayaf sa Bohol.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampaniya kontra terorismo kaya’t matigas ang kautusan nito sa mga sundalo na tuldukan ang pamamayagpag ng mga bandido.
Batay sa ulat ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa sa Pangulo, inilipat si Nobleza sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame mula sa Bohol dahil sa itinuturing siyang high risk detainee kasama ang kasintahan niyang Abu Sayaf.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
PNP at iba pang organisasyon dapat maging mapagbantay was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882