Umani na ng magandang resulta ang pagpupursige ng Duterte administration na isulong ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China at Russia.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakatanggap na ang Pilipinas ng purchase commitments mula sa China at Russia matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang intensyon na mapalapit sa dalawang nasabing bansa.
Nasa 1.7 billion dollars ang nilagdaang purchase deals ng agricultural at industrial products na magiging daan upang lumago ang export ng Pilipinas sa Tsina.
Kung dati anya ay ipinagbabawal ng Tsina at sinususpinde pa ng tsina ang mga exporter na mag-export ng mga produkto sa kanilang bansa dahil sa problema sa standards, ngayon anya ay nagpapadala na ang China ng technical experts sa Pilipinas tuwing may mga issues ng mga produktong hindi pumasa sa international standards.
Nangako naman ang Russia 2.5 billion dollars na halaga ng agricultural products mula sa Pilipinas.
By Drew Nacino
Mahigit $4B purchase deals ipinangako na ng China at Russia was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882