Labin limang (15) sibilyan ang pinatay ng Jihadist militants mula sa Islamic State group sa Central Mosul, Iraq.
Ayon sa ulat ng joint operations command, suot ang uniporme ng mga pulis, nagtungo ng Mosul ang mga miyembro ng ISIS na nagpanggap na mga pulis para kunwari ay ipakita ang kanilang suporta sa federal forces.
Ayon sa ulat, mainit na sinalubong ng mga residente ng Mosul ang mga teroristang nagpanggap na pulis ngunit kalauna’y inaresto ang mga mamamayang ito at pinaslang.
Karamihan sa mga pinatay ng ISIS ay pawang mga babae at mga bata sa pamamagitan ng pagbaril sa mga ito.
By Ralph Obina
15 sibilyan pinatay ng ISIS sa Mosul Iraq was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882