Hinihimok ng New York Times ang ICC o International Criminal Court na pigilan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gawain nito at simulan na ang imbestigasyon batay sa kasong crime against humanity na isinampa ni Atty. Jude Sabio.
Bahagi ito ng editoryal ng naturang pahayagan na may titulong “Let The World Condemn Duterte” kaugnay umano sa extrajudicial killings na nangyayari sa Pilipinas.
Binigyang diin sa naturang editoryal na binuo ang ICC para litisin ang mga kaso ng genocide, crimes against humanity at war crimes.
Nanindigan ang pahayagan na may sapat na ebidensya para simulan ng ICC ang sarili nilang imbestigasyon.
Sinabi pa sa editoryal na posibleng magdalawang isip ang ICC na habulin ang Pangulong Duterte lalo’t mataas ang popularity ratings nito sa Pilipinas.
By Ralph Obina
Pangulong Duterte kailangan nang pigilan—NY Times editorial was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882