Ipinatupad na ngayong araw ang No Sail Zone sa bahagi ng Manila Bay, malapit sa pagdarausan ng ASEAN Summit.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, sakop ng pagbabawal sa paglalayag ang paligid ng US Embassy hanggang Manila Yacht Club maging ang bahagi ng Break Water mula CCP-PICC Complex hanggang sa bahagi ng SM Mall of Asia.
By Ralph Obina