Excited na ang aktor na si Piolo Pascual na makita ng kanyang mga fans ang upcoming reunion movie nila ni Toni Gonzaga.
Ito ay tatlong (3) taon matapos ang tambalan nila sa blockbuster film nilang Starting Over Again.
Ayon kay Piolo, dalawang (2) linggo nang nagsimula ang kanilang shooting para dito.
Sinbabi ni Papa P na hindi naman siya bad boy sa pelikula ngunit may pinagdaraanan lang.
Tiyak na mag-eenjoy aniya ang kanilang mga tagahanga sa panibagong romantic comedy na ito.
By Ralph Obina