Laya na ang retiradong PBA Player at tinaguriang Mr. Excitement na si Paul Alvarez matapos makapag piyansa.
Si Alvarez ay inaresto sa Baguio City noong Lunes matapos umanong bugbugin ang kaniyang live-in partner.
Lumalabas sa imbestigasyon na uminom si Alvarez at live-in partner nito sa isang restaurant kung saan din sila nag-away at nang makauwi sa kanilang bahay ay binugbog ng dating PBA Player ang babae.
Magugunitang noong isang taon ay inaresto si Alvarez matapos manggulo at makipag suntukan sa isang bar sa Quezon City.
Samantala, kinumpirma naman ng Quezon City Police District o QCPD na kabilang si Alvarez sa kanilang drug watch list.
By Judith Larino