Hindi pipigilan ng pambansang pulisya ang mga magkakasa ng kilos protesta kahit walang permit sa panahon ng ASEAN Summit.
Ngunit nilinaw ni NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde na limitado lamang ang mga lugar na maaaring pagdausan ng mga protesta.
Kabilang aniya rito ang Liwasang Bonifacio, Buendia at iba pang mga lugar maliban sa US Embassy at CCP Complex sa Maynila basta’t hindi maaapektuhan ang daloy ng trapiko.
Babala pa ni Albayalde, 5000 pulis ang nakakalat sa paligid ng mga venues at hindi mangingiming arestuhin ang mga pasaway na rallyista na hindi susunod sa kanilang inilatag na kundisyon.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal