Mabilis na pag-usad ng kaso laban sa Kentex Manufacturing Corporation at makatotohanang katarungan para sa mga biktima na trahedya na ipinagkait ng dating Administrasyong Aquino.
Ito ang sigaw ng mga manggagawa at pamilya ng mga biktima ng Kentex fire sa isinagawa nilang rally sa harap ng punong tanggapan ng DOJ o Department of Justice kahapon.
Kasabay nito, hiniling din ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa na ang occupational health and safety bill na naglalayong mapatawan ng pananagutang kriminal ang mga pabrika na hindi sumusunod sa alituntunin ng paggawa.
Magugunitang pitumpung manggagawa ng naturang pabrikang tsinelas ang nasawi sa nangyaring sunog sa Valenzuela city nuong Mayo 13 taong 2015.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo