Kinumpirma ng Davao City Police Office o DCPO na may kapatid sa lungsod ang umano’y kasintahan ni Police Superintendent Maria Cristina Nobleza na si Reenour Lou Dongon.
Sinabi ni Police Inspector Maria Teresita Gaspan, spokesperson ng DCPO na binisita nila ang bahay ng umano’y kapatid ni Dongon subalit wala naman sila aniyang nakitang anumang kontrabando sa inspeksyon dito.
Patuloy ding ini-imbestigahan ang nasabing kapatid ni Dongon bagamat itinanggi nito ang kaugnayan sa mga bandido.
Samantala, bini-verify na ng mga otoridad ang umano’y nabiling 1, 000 square meter na lupain ni Nobleza sa Davao kahit dalawang (2) buwan pa lamang itong nanunungkulan sa lungsod.
By Judith Larino