Ipahahalukay din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tax evasion case laban sa pamilya Prieto na may-ari ng Philippine daily Inquirer at may franchise ng kumpaniyang Dunkin Donuts.
Ayon sa Pangulo, tiyak na sasabit sa kaso si dating BIR o Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares dahil sa pagtatago ng tax liabilities ng nasabing pamilya.
Intresado aniya siyang malaman kung paano napunta sa kamay ng Pamilya Prieto ang isang malaking lupain sa Makati .
Partikular na tinukoy ng pangulo ang mile long property sa nasabing lungsod na matagal nang pinagtatalunan nuon pang panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping