Isa ang patay habang 14 ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Barangay Conocotan, Tagum City sa Davao Del Norte.
Ito’y makaraang mawalan ng kontrol ang tsuper ng minamaneho nitong van makaraang mag-overtake sa isa pang sasakyan.
Kinilala ang nasawi na si Dra. Brigida Claro na pinuno ng internal medicine ng Baguio General Hospital and Medical Center at residente ng Tuba, Benguet.
Sinasabing nasa Tagum City si Dra. Claro para sa isang medical mission kasama ang mga sugatan na pawang taga Baguio City din.
Ayon kay Benguet Electric Cooperative Director Rocky Aliping, nagtamo ng sugat sa katawan ang mga nurse na kasama ng doktora sa loob ng sinasakyan nilang van.
By: Jaymark Dagala