Bigong talakayin nila Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kalagayan ni Pinay drug convict Mary Jane Veloso.
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa isinagawang pagbisita ni Widodo sa Malakaniyang para sa kanilang bilateral meeting ng Pangulo.
Hindi rin masabi ni Abella kung nabanggit ng Pangulo si Veloso kay Widodo sa kanilang pribadong pulong pagkatapos ng kanilang masaganang hapunan.
Magugunitang personal na nagtungo sa Palasyo ang ina ni Mary Jane na si Ginang Celia Veloso para ipaki-usap ang kaniyang anak ngunit, sinabi ni Abella na naging maingat sa usapin ang Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping