Umapela ang isang grupo ng mga kabataan para sa muling pagbuhay ng ROTC o Reserve Officers Training Corps.
Nanawagan si Duterte Youth Chairman Ronald Cardema sa kongreso na ipasa ang panukalang batas na pagbabalik sa ROTC sa muling pagbubukas nito sa Mayo.
Ayon kay Cardema, kinakailangan na sumailalim sa training ang mga kabataan upang magamit ang mga ito kapag may kalamidad.
Una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangan na magsakrpisyo sa bayan ang mga kabataan kung kinakailangan.
By Rianne Briones