Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Manila Police District o MPD sa naganap na pagsabog sa Quiapo, Maynila na ikinasugat ng labing-tatlo (13) katao kung saan isa rito ay kritikal matapos maputulan ng binti.
Ayon kay SPO3 Dennis Insierto ng District Police Intelligence Operations Unit, dalawa (2) ang itinakbo sa Philippine General Hospital (PGH) na kinilalang sina Ramon Carious at Rolando Gubat habang dinala naman sa Mary Chiles Hospital si Pepito Enriquez.
Siyam (9) naman ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center na sina Migine Lopez, Mayvelyn Olipas, Alvin Michael Vallila, Clarissa Macaspac, Amado Flores, Patrick Bagnes, Reynaldo Cabanilla, Ruiz Convicto at Wilfredo Tomagan.
Naganap ang pagsabog sa northbound side ng Quezon Boulevard, sakop ng Barangay 391, Zone 40, Quiapo ng naturang lungsod.
Sinasabing ang pampasabog ay posibleng inihagis o inilagay sa ilalim ng lamesa ng isang ambulant vendor sa bangketa.
By Jelbert Perdez