Pinaghihinay-hinay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos kaugnay sa usapin ng militarisasyon sa South China Sea.
Sinabi ng pangulo na batid niya kung gaano ang pagkainis ni US president Donald Trump subalit sa halip na sumama sa gulo ay daanin nalang ito sa dasal at pakiusap.
Iisa aniya ang posisyon ng mga lider ng ASEAN members na ayaw nila ng gulo dahil wala silang war heads at magdudulot lamang ito ng mas malaking sakuna kapag sumabay sila sa agos.
Mas makabubuti aniyang magdahan-dahan ang Amerika o kaya ay huwag na lamang patulan ang mga naghahamon dahil ang mapipinsala ay ang mga inosenteng mamamayan ng rehiyong Asya kapag nagkaroon ng giyera.
By Katrina Valle / (With report from Aileen Taliping)
Pangulong Duterte pinaghihinay-hinay ang Estados Unidos hinggil sa usapin ng South China Sea was last modified: April 30th, 2017 by DWIZ 882