Inokupa ng libo libong miyembro ng KADAMAY ang Agham Road sa Quezon City.
Itoy bilang paghahanda sa ikakasa nilang kilos protesta bukas, labor day.
Ayon kay Carlito Badion, Secretary General ng KADAMAY, nasa 5000 ang mga miyembro nilang nagtipon tipon sa northbound lane ng Agham Road na nagtayo na ng tent doon.
Dito na anya sila magpapalipas ng gabi bago sila tumulak pa Maynila bukas para samahan ang ilang miltanteng grupo sa pagpoprotesta.
Mula sa Agham Road, magmamartsa anya sila patungong liwasang Bonifacio bago dumeretso sa Mendiola malapit sa Malakanyang.
Ayon kay Badion, ipararating nila sa Pangulong Duterte ang kanilang pagkadismaya matapos umanong hindi tuparin ng Pangulo ang pangako nitong mas mataas na pasweldo sa mga manggagawang Pilipino.
By: Jonathan Andal