Sumalubong sa unang araw ng Mayo ang malakihang rollback sa presyo ng LPG o Liquified Petroleum Gas.
Epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw, aabot sa 4.85 kada kilo o 53 pesos sa kada 11 kilogram cylinder ang ibinawas ng kumpanyang Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas.
Habang 2.73 pesos kada litro naman ang bawas sa Xtend Auto LPG.
Simula naman kaninang alas-6:00 ng umaga, magpapatupad ang Solane ng 4.30 pesos na bawas presyo kada litro ng LPG.
Samantala, asahan na ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.
Tinatayang 90 centavos hanggang piso (P1.00) ang mababawas sa kada kilo ng gasolina, 70 hanggang 80 centavos sa kada kilo ng diesel at 90 centavos hanggang piso ang kada litro ng kerosene.
Ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG at iba pang produktong petrolyo sa world market.
By Rianne Briones
Big-time rollback sa presyo ng LPG ipinatupad was last modified: May 1st, 2017 by DWIZ 882