Ipinarating ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mainit nitong pagbati para sa lahat ng mga manggagawang Pinoy ngayong Labor Day.
Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Paggawa, iginiit ng Pangulo na kinikilala ng Malakanyang ang papel at karapatan ng mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa Pangulo, sinisikap ng DOLE o Department of Labor and Employment na makapagbigay pa ng libu-libong trabaho sa mga Pinoy sa tulong na rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan
Marapat lamang aniya na maibigay ang nararapat para sa mga manggagawang nakikilahok sa tunay na pagbabago.
By Ralph Obina |With Report from Aileen Taliping