Nais ni Senador Leila De Lima na aktibo pa ring makalahok sa mga deliberasyon ng senado kahit na nakakulong sa Philippine National Police o PNP detention facility sa Camp Crame.
Ayon kay De Lima, mayroon syang obligasyon na dapat gampanan sa mahigit labing apat (14) na milyong Pilipino na bumoto sa kanya bilang senador.
Sinabi ni De Lima na pinag-aaralan na ng kanyang mga abogado ang mga legal options kung paano sya makakalahok sa mga deliberastyon sa senado kahit sa pamamagitan ng remote o electronic means.
Bukod anya sa kanyang mga karapatan bilang halal na senador, ipinaglalaban rin ni De Lima ang kanyang karapatan bilang political prisoner.
Noon anyang 1950 ay pinayagang makapagpiyansa si Senador Justiniano Montano para magampanan ang kanyang tungkulin bilang senador kahit pa non-bailable ang kanyang kasong multiple murder.
Samantala, sa pamamagitan naman ng teleconferencing ay pinayagan noon ng Aquino administration si Senador Antonio Trillanes na makalahok sa mga deliberasyon sa senado.
Sa kabila ng pagkakakulong ay nagpapatuloy si De Lima sa paghahain ng kanyang mga panukalang batas.
Prosekusyon tututulan ang kahilingan ni Sen. De Lima makalahok sa deliberasyon ng senado
Tututulan ng prosekusyon ang kahilingan ni Senador Leila De Lima na makalahok sa deliberasyon ng senado kahit nakakulong sa Camp Crame.
Ayon sa prosekusyon, maituturing na special treatment sakaling payagan si De Lima na gumamit ng electronic gadgets para makalahok sa sesyon ng senado.
Nagpahayag ng pangamba ang prosecution na humirit rin ang ibang bilanggo na payagan silang makagamit ng electronic gadgets.
By Len Aguirre