Pinagbibitiw ng grupong The Force of Democracy ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa tinawag nilang labag sa batas, immoral at mabangis na pamamahala nito.
Isinabay ng grupo ang kanilang kilos protesta sa protesta ng mga labor groups sa Liwasang Bonifacio ngayong Labor Day.
Kinundena rin ng grupo ang anila’y mapaghiganting ugali ng Pangulo na makikita sa panunupil nito sa political opposition.
Maliban dito, pinuna ng The Force of Democracy ang mistulang pagsuko ng Pangulong Duterte sa soberenya ng Pilipinas nang mabigo itong igiit sa ASEAN na pag-usapan ang panalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal laban sa claim ng China sa West Philippine Sea.
By Len Aguirre |With Report from Aya Yupangco