Pagwawakas ng kontraktualisasyon at natonal minimum wage na P750.00 ang panawagan ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa kanilang mga kilos protesta ngayong Labor Day.
Nagkaroon ng hiwa-hiwalay na kilos protesta ang iba’t ibang labor groups sa Liwasang Bonifacio sa Lawton,Quiapo, Makati City at iba pa bago nagmartsa patungo ng Mendiola.
Sumama rin sa kilos protesta ang libo-libong miyembro ng Kadamay na noong Sabado pa nagkampo sa Quezon City bilang paghahanda sa Labor Day.
Bitbit ng Kadamay ang isang effigy ng buwitre na sumisimbolo umano sa mga dayuhang nangingialam sa Pilipinas.
Sumama rin sa kilos protesta ang mga empleyado ng BPO o Business Process Outsourcing na kilala rin sa tawag na call centers.
Inirereklamo ng mga BPO employees ang di umano’y malakihang cost cutting ng mga BPO companies na nakaka-apekto sa kanilang mga benepisyo, ang project based at seasonal employment na talamak sa industriya ng BPO.
Ang kilos protesta sa Metro Manila ay sinabayan rin ng mga kilos protesta sa mga lalawigan.
By Len Aguirre