Nakiisa si Vice President Leni Robredo sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa mundo sa pagdiriwang ng “Araw ng Paggawa”.
Sa kanyang Labor Day message, nanawagan si Robredo na balikan at suriin ang mga repormang magpapalakas sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino partikular na ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon o endo.
Dapat din anyang tiyakin ng gobyerno na hindi naabuso ng mga kumpanya ang sistema ng kontraktuwalisasyon.
Idinagdag din ng Pangalawang Pangulo na higit sa pasasalamat dapat ding pag-ibayuhin ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa na nagpapatatag sa ekonomiya ng bansa.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal