Tiniyak ni Senate Committee on Labor and Employment Chairman Joel Villanueva sa mga manggagawa na gagawin niya ang lahat upang makalusot sa senado ang Senate Bill 116 o End of Contract Act.
Ito ang panukalang batas na magbabawal sa Labor only Contractualization at magkakaloob ng Social Benefits and Protection sa mga manggagawa.
Nangako rin si Villanueva na patuloy niyang isusulong ang mga patakaran na magpapahusay sa kapakanan ng mga manggagawa, pagpapataas sa oportunidad para sa work flexibility, paglikha ng unemployment insurance at patakaran na magpapahusay sa job security.
Iginiit ng senador na mahalagang ang pagkakaisa sa paglaban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala sa mga manggagawa at mapalakas ang kakayanan ng mga obrero babae man o lalaki.
By Drew Nacino |With Report from Cely Bueno