Bumuo na ang Manila Police District ng Special Task Group na mag-iimbestiga sa pambobomba sa Quiapo noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay MPD Director, Chief Supt. Joel Coronel, ang SITG-Soler ay binubuo ng mga miyembro mula M.P.D., Criminal Investigation and Detection Group, Philippine National Police-Crime Laboratory, Directorate for Intelligence at Armed Forces of the Philippines.
Sa ngayon anya ay limang persons of interest pa lamang ang natutukoy na may kaugnayan sa kaso na pawang mula sa Quiapo area.
Bukod pa ito sa narekober ng mga pulis na detonation fuse ng isang non-electrical timer.
Ipinunto naman ni Coronel na hndi ito ang unang beses na isang homemade pipe bomb ang ginamit sa gang war dahil may kahalintulad na insidente sa Divisoria at Sampaloc.
By: Drew Nacino