Aabot lamang sa 60 mga Syrian rebel ang isinasailalim sa training ng Amerika para makipaglaban sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ito ang pagbubulgar ni Defense Secretary Ashton Carter kasunod na rin ng anunsyo ni President Barack Obama na mas paiigtingin pa ng Amerika ang kampanya nito laban sa ISIS.
Aminado si Carter na napakababa ng naturang bilang kumpara sa hinahangad ng estado dahil na rin nahihirapan umano silang makakuha ng mga kuwalipikadong Syrian rebel.
Binatikos naman ito ni Republican senator na si John Mccain sa pagsasabing talo ang Amerika sa ginagawa nitong kampanya laban sa ISIS dahil sa patuloy na paglawak pa ng operasyon nito.
By Rianne Briones