Muling humarap sa confirmation hearing ng Commission on Appointments on Environment si DENR Secretary Gina Lopez.
Muling inilatag ni Lopez sa pagdinig ang mga masasamang epekto ng pagmimina lalong-lalo na ang open pit mining sa pamamagitan ng isang video.
Gayunman, nilinaw ni Lopez na hindi sya tutol sa pagmimina dahil marami rin namang minahan ang responsable at kahanga-hanga.
Sakali umanong masagot nang lahat ni Lopez ang isyu laban sa kanya at pagbobotohan na sa committee level sa isang executive session ang kumpirmasyon ni lopez bilang DENR Secretary.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno