Umaasa ang Pangulong Rodrigo Duterte na mapa-plantsa na ang lahat ng gusot sa peacetalks sa National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Inihayag ito ng Pangulo matapos amining mayroong konting aberya sa ginagawang pakikipag-usap ng pamahalaan sa NDFP.
Hindi tinukoy ng Pangulo ang tinutukoy nyang gusot subalit inatasan na anya nya sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Chief Negotiator Silvestre Bello lll na muling makipag-usap sa NDFP.
Samantala, malaki rin ang pagasa ng Pangulo na maaayos na rin ang peacetalks sa MILF o Moro Islamic Liberation Front at sa MNLF o Moro National Liberation Front.
Sa ngayon anya ay humihingi pa sa kanya ng sapat na oras si MNLF Founding Chairman Nur Misuari upang makapaghanda sa gagawing pag-uusap.
By Len Aguirre