Mas nanaig ang kampanyang “Its More Fun in the Philippines” kaysa pulitika lalo na ang mga negatibong issue laban sa kasalukuyang administrasyon.
Ito’y makaraang tumaas ng 27.81 percent ang bilang ng mga turista noong Pebrero kumpara sa 22 percent sa kahalintulad na panahon noong isang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang turismo ang isa sa mga nagpapalakas sa ekonomiya kaya’t nagpapatuloy ang pagsusulong ng mga tourism infrastructure project gaya ng paliparan, riles at kalsada.
Milyun-milyong trabaho ang maibibigay ng mga nasabign proyekto na inaasahang tatagal sa loob ng limang taon.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping