Nababahala ang Malakanyang sa posibleng idulot ng intra-corporate dispute sa Manila North Harbor Port Incorporated.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ng madaliin ang pagresolba sa mga hidwaan sa loob ng Manila North Harbor upang maiwasang maulit ang naranasang port congestion noong nakaraang administrasyon.
Giit ni Abella, kilala ang Pangulo sa pagnanais nito ng agarang resolusyon sa anumang usapin kasama na ang hidwaan sa nasabing pantalan.
Bukod sa hidwaan sa loob ng M.N.H.P.I., may nakabinbin ding kaso sa Ombudsman laban sa opisyal ng Securities and Exchange Commission official na umano’y pumayag sa iligal na pagbenta ng shares ng nasabing terminal operator.
Hinihintay pa ngayon ang desisyon ng Ombudsman bagama’t una ng pinagbawalan ng Quezon City Regional Trial Court noong Enero si 1-Pacman Party-list Rep. Michael Romero sa pag-angkin sa Harbour Centre Port Terminal na pag-aari ng kanilang pamilya.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping