Hindi pangungunahan ng PDP-Laban ang confirmation proceedings ni Environment Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.
Ito ang inihayag ni PDP-Laban at Senate President Koko Pimentel makaraang igiit na walang ineendorso ang kanilang partido kapalit ni Lopez sakaling hindi ito makumpirma.
Ayon kay Pimentel, maaaring mayroon lamang regional council ang kanilang partido na nagsalita sa media kung saan inendorso ang isang Atty. Mark Tolentino pero hindi ito official stand ng PDP-Laban.
Tumanggi namang magsalita ng Senador hinggil sa tsansa ng kalihim na makalusot sa C.A. bagkus ay dapat hintayin na lamang anya ang desisyon ng komisyon, ngayong araw
By: Drew Nacino / Cely Bueno