Muling sinupalpal ni Senador Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy nitong pag-atake sa dalawang malaking media organizations.
Tinawag ni De Lima si Duterte na “old man” na nagpapatakbo ng gobyerno pero mayroon umanong emotional quotient o E.Q. na pang-anim na taong gulang.
Ito, ayon sa Senador, ay dahil binabaliwala ng Pangulo ang constitutional principle sa press freedom at democratic governance ng mga professional civil service corps upang bigyang katuwiran ang kanyang pagganti sa pagiging biktima umano niya ng kasong estafa.
Sa halip anya na magsampa ng kasong estafa sa korte si Duterte laban sa ABS-CBN, handang gamitin ng Pangulo ang buong pwersa ng gobyerno upang makapaghiganti.
Iginiit ni De Lima na ang personal na issue ng punong ehekutibo ay nagiging public policy at maging siya ay isa sa mga biktima ng pang-anim na taong gulang na emotional quotient ng Pangulo.
By: Drew Nacino / Cely Bueno