Pansamantalang hindi matutuloy ang taas-singil sa kontribusyon sa SSS o Social Security System ngayong buwan.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ito ay dahil hindi pa naglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng opisyal na kautusan ukol dito.
Kinakailangan rin aniyang i-upgrade ang sistema ng SSS para sa ipatutupad na dagdag singil sa kontribusyon.
Enero nang i-anunsyo ang pagtataas ng singil sa kontribusyon ng mga miyembro upang makaagapay sa ipinatupad na dagdag na isang libong piso (P1,000) sa mga SSS pensioner.
By Rianne Briones
Taas-singil sa SSS contribution di tuloy ngayong buwan was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882