Tuluy-tuloy ang pagbuti ng kalagayan ng 36-anyos na dayuhang nag-positibo sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV).
Ang nasabing dayuhan ayon sa Department of Health (DOH) ay apat na araw nang naka-confine sa RITM o Research Institute for Tropical Medicine.
Una nang inihayag ng DOH na nag-negatibo sa MERS ang isa sa mga naka-close contact ng foreigner na inubo at na-confine rin sa RITM.
By Judith Larino