Walang plano si PBA Party-list Representative Jericho Nograles na mag endorso ng impeachment complaint.
Binigyang diin ito ni Nograles makaraang mailagay ang kanyang pangalan bilang endorser ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
“Kung meron hong impeachment complaint na su-suportahan ko, kalian kong mag inhibit bilang miyembro ng committee on justice. Medyo mahirap din yun eh, yung sitwasyon na yun. Desisyon ko na hindi lang yung impeachment ni Robredo, eh yung impeachment ni Duterte, maski na sino pa. Hindi pu-pwedeng na ako ang mag endorse nyan dahil trabaho ang making sa lahat ng panig at magbibigay ng desisyon”, ani Nograles.
Gayunman, tinanggap na ni Nograles ang paghingi ng paumanhin ni Atty. Bruce Rivera, isa sa mga naghain ng impeachment complaint laban kay Robredo.
Sinabi ni Nograles na tumibay ang kanyang posisyon na walang i-e-endorsong impeachment case matapos aminin ni Rivera na resulta ng miscommunication ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa reklamo.
“First time ko ngang nakita itong si Atty. Bruce at si Atty. Trixie eh, nagkakilala na ba tayo? Pati sila nagulat. Ako, nirerespeto ko yung kanilang complaint pero hindi ko matanggap na nilalagay nila yung pangalan ko na walang pahintulot”, pahayag ni PBA Party-list Representative Jericho Nograles sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre