Muli nang sumabak sa pagsasanay si 2 – time Wimbledon Champion Petra Kvitova, wala pang anim (6) na buwan matapos siyang saksakin sa kanyang tahanan.
Sa kanyang instagram post, sinabi ni Kvitova na siya ay nasa tennis court sa Monaco at pumapalo na.
Hindi nakapaglaro ng isang buong season ni Kvitova matapos operahan ang kanyang kaliwang kamay, noong Disyembre.
Noong nakaraang buwan ay sinabi ni Kvitova na umaasa siyang makakapaglaro siya sa French Open na magsisimula sa Mayo 28.
By Katrina Valle
Photo Credit: Petra Kvitova Instagram Account