Hindi naman makapaniwala ang 35 anyos na si Ramil Comendador na makapapasa siya sa 2016 bar examinations.
Si Comendador ay mayroong asawa at dalawang anak na nag-trabaho bilang janitor at legal researcher sa Commission on Elections.
Ayon kay Ramil, hindi niya alam kung paano pasasalamatan ang Diyos maging ang mga taong nagbigay sa kanya ng lakas.
Mula anya sa mahigit 3700 pumasa sa bar, pang-914 siya sa mga passer.
Taong 2007 hanggang 2010 nang mag-trabaho bilang janitor sa COMELEC si Comendador at noon namang 2011 ay pumasok sa law school.
Payo naman ni Ramil sa mga katulad niyang hindi naghangad maging abogado na huwag mawalan ng pagasa sa pagkamit sa inaasam na pangarap.
By: Drew Nacino / Aya Yupangco