Halos umabot sa P2-B ang halaga ng napinsala sa pag-atake ng NPA o New People’s Army sa isang planta sa Davao.
Ayon kay Major General Rafael Valencia, commanding general ng 10th Infantry Division, kabilang sa mga nasira ang mga makinang ginagamit sa paggawa ng mga kahon na pinaglalagyan ng saging.
Maliban sa planta, apektado rin anya ang mga ibang nasa industriya ng saging dahil sa naturang planta sila bumibili ng kahon at plastic para sa kanilang produktong saging.
Tiniyak ni Valencia na may mga ginagawa silang hakbang upang hindi na maulit ang pag atake ng NPA.
National Security Policy na tatapos sa lahat ng armadong labanan kasado na
Kasado na ang National Security Policy na naglalayong tatapos sa lahat ng armadong labanan at matamo ang ganap na kapayapaan sa bansa.
Ayon kay National Security Council Chairman Hermogenes Esperon nakapaloob sa inaprubahang panuntunan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hakbang upang matiyak ang seguridad sa lahat ng panig ng bansa lalo na sa Mindanao.
Kasama rin sa mga tututukan ang seguridad ng buong ASEAN Region.
By Len Aguirre |With Report from Aileen Taliping