Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang hindi pa pinapangalanang ahente ng National Bureau of Investigation o NBI na nagbigay ng impormasyon kay Charlie “Atong” Ang kaugnay sa plano umanong paglikida sa kanya gamit ang ilang NBI Personnel.
Ayon kay Aguirre, kilala na niya ang naturang NBI agent habang mayroon pa itong apat (4) na iba pang personnel na kanyang pina-iimbestigahan.
Sa oras anya na matapos ang imbestigasyon, gagawa siya ng ligal na hakbang upang papanagutin sa batas ang mga nasabing NBI agent.
Samantala, isiniwalat ng kalihim na mayroong pina-planong “ambush me” si Ang ngayong linggo kasabay ng ipatatawag na senate inquiry ni Senador Antonio Trillanes at ibunton ang pagsalakay.
Ibubunton umano ang naturang insidente kina Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
By Drew Nacino |With Report from Bert Mozo