Posibleng pangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang araw mula ngayon ang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Ito ang inihayag sa isang panayam kay Finance Secretary Carlos Dominguez sa sidelines ng taunang pagpupulong ng Asian Development Bank sa Yokohama sa bansang Japan.
Kabilang sa mga pangalan na posibleng pumalit kay BSP Governor Amando Tetangco ang kanyang dalawang deputy na sina Nestor Espenilla at Diwa Guinigundo.
Gayundin sina dating Monetary Board Member Peter Favila gayundin ang kilalang banker na si Antonio Moncupa.
By Jaymark Dagala
Bagong BSP Governor posibleng pangalanan na was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882