Nalantad na pinakiusapan ni US President Donald Trump ang Pangulong Rodrigo Duterte para mamagitan sa kanila ng China hinggil sa problema sa North Korea.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, alam ng Estados Unidos na tanging ang China ang may kakayahang mamagitan sa pagpapakawala ng missile ng North Korea.
Sinabi ng Pangulo na ipinaabot naman niya kay Chinese President Xi Jinping ang mensahe ni Trump at ang posisyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kung maaari ay mamagitan ang China upang mapahupa ang tensyon sa Korean Peninsula.
Nakahanda umano ang Pangulo na isapubliko ang naging pag-uusap nila sa telepono ni Trump at ni Xi Jinping dahil recorded naman anya ang lahat at alam ito ng White House.
By Len Aguirre | with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Duterte pinakiusapan ni Trump na kausapin ang China re: NoKor was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882